Senado dapat makipagdiyalogo na sa Kamara para matigil ang Word war

Iminungkahi ni Senador Jinggoy Estrada na makipagdiyalogo ang Senado sa mga Kongresista para matigil na ang girian sa isyu ng People’s Initiative.

Nadismaya si Estrada na tuloy ang ginagawang pakikipag banggaan ng Kamara sa Senado matapos pagtibayin ang resolusyon na nagpapahayag ng suporta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez.

Yan ay dahil sa umano’y matinding banat ng mga Senador kay Romualdez na isa umanong paglabag sa Inter parliamentary courtesy.

Sinabi ni Estrada, handa niyang kausapin si Romualdez para matuldukan na ang umano’y lamat sa pagitan ng Senado at Kamara.

Tiniyak naman ni Senate president Juan Miguel Zubiri na palaging bukas at handang makipag-ugnayan ang mga Senador sa mga Kongresista .

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *