Senado , nagpasa ng resolusyon ng pagkilala sa Veteran actress na si Susan Roces

Inaprubahan ng Senado ang resolusyon ng pagkilala sa Veteran actress na si Susan Roces na pumanaw nitong biyernes.

Si Senate President Vicente Sotto ang naghain ng Senate Resolution 1002 bilang pakikidalamhati at pakikiramay sa pagkamatay ni Roces o Jesusa Purificacion Levy Sonora Poe.

Si Roces ang itinuturing na Queen of Philippine Movies dahil sa kaniyang talento, hardwork at major role sa may isandaan at tatlumpung pelikula sa loob ng kaniyang pitumpung taong karera.

Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla si Roces ang isa sa mga mabuting ehemplo bilang asawa at anak.

Nagpasalamat naman si Senador Grace Poe sa mga kasamahan sa Senado sa pagkilala sa kaniyang ina.

Huli niya raw nakausap ang ina noong martes at masaya ito sa pagkakapasa ng foundling law.

Meanne Corvera

Please follow and like us: