Naitatalang COVID-19 cases sa bansa, tumaas

Tumaas ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula May 16 hanggang 22, nasa 173 ang naitalang average daily cases ng COVID- 19 na mas mataas ng 9.9% kumpara noong May 9 hanggang 15.

May 1,214 bagong kaso naman ang naitala nitong nakaraang linggo.

May 14 na kaso ng severe at critical naman ang naitala habang may 6 na bagong nasawi ang naiulat.

Sa 6 na nasawi, 3 ang ngayong Mayo, tig-iisa naman noong Abril, Pebrero, at Enero.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: