Senado, wala na ring pasok ngayong araw

Sinuspinde na rin ang trabaho ng mga empleyado at lahat ng  nakatakdang hearing sa Senado ngayong araw.

 

Ayon kay Senate Secretary Atty. Lutgardo Barbo, bunsod ito ng walang tigil na pag ulan at pagbaga sa ilang bahagi ng Metro Manila.

 

Pero nilinaw ni Barbo na may ipatutupad na skeletal force lalo na sa security ng Senado.

 

Sa Senado naka-detain ang isang personalidad na pinatawan ng contempt kaugnay ng pagpapalusot sa 6.4 b shabu sa Bureau of Customs kabilang na si Captain Nicanor Faeldon.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *