Senador Bong Go at Robinhood Padilla binisita ang itatayong Super Health Center sa Davao del Sur

Personal na ininspeksyon nina Senador Bong Go at Robinhood Padilla ang itatayong Super Health Center sa Matanao, sa Davao del Sur.

Isa ang Super Health Center sa inisyatiba ni Go katuwang ang Department of Health para makatulong na mapagbuti ang serbisyong pangkalusugan lalo na sa malalayong lugar.

Ayon kay Go, nasa strategic areas ang mga super health center na ito para hindi na kailangan bumiyahe kapag may emergency cases.

Dumalo rin sina Go at Padilla sa inagurasyon ng isang multipurpose building at pinangunahan ang relief activity para sa mahihirap na residente.

Kabilang sa kanilang ipinamahagi ay grocery packs, vitamins, face masks, shirts at meals sa 500 residente.

Nagbigay din si Go ng mga sapatos, bisikleta, cellphones, relo, payong, at bola ng basketball at volleyball sa mga piling benepisyaryo.

Para naman sa mga may karamdaman payo ni Go, magpunta lang sa Malasakit Centers sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City o sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *