Senador Gordon na confine sa Ospital dahil sa COVID-19

Naka confine na sa Makati Medical Center si Senador Richard Gordon.

Ayon sa tanggapan ng Senador nakitaan kasi ito ng pneumonia matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa inilabas ng pahayag ng kanyang tanggapan, sinabing kailangan itong obserbahan ng kaniyang mga manggagamot.

Fully vaccinated na si gordon at asymptomatic o walang naramdamang sintomas.

Pero napansin niya ang pagbabago sa kaniyang kalusugan at hirap siyang makatulog.

Si Gordon na ang ika-anim na Senador na dinapuan ng COVID-19.

Dati ring nagpositibo sa virus sina Senators. Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Aquilino Pimentel III, Ronald dela Rosa, at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Meanne Corvera

Please follow and like us: