Senador Lito Lapid, nag-ikot sa bahagi ng Cavite

Nag-ikot at ikinampanya ni Senador Lito Lapid ang Partylist na pinatatag na ugnayan para sa mga oportunidad sa pabahay ng masa o pinuno sa bacoor at iba pang bayan sa Cavite.

Ayon kay Lapid sinusuportahan niya ang itinutulak ng grupo na disenteng murang pabahay at trabaho para sa bawat pilipino.

Ayon sa Senador mayorya sa mga ordinaryong manggagawa, walang sariling bahay at nangungupahan lang.

Sakaling magkaroon ng pwesto sa Kongreso, uunahin nila ang mga marginalized sector at mga nakatira sa lansangan at nasa ilalim ng mga tulay.

Meanne Corvera

Please follow and like us: