Senador Manny Pacquiao nabiktima ng dagdag bawas – Sen. Sotto

Pabor si Senador Vicente Sotto na paimbestigahan sa World Boxing Organization ang posibleng iregularidad sa katatapos na laban ng pambansang kamao at Senador Manny Pacquiao sa Australyanong si Jeff Horn.

Ayon kay Sotto  isa sa mga personal na nanood ng laban ni Pacquiao sa Australia, gaya ng eleksyon, nabiktima ito ng dagdag bawas.

Kung pag-uusapan ang bakbakang Horn at Pacquiao, mas maraming napatamang suntok si Pacman kumpara sa kaniyang kalaban katunayang naospital ito matapos ang bakbakan.

Pabor si Sotto na magkaroon ng rematch pero kailangan aniyang hindi ang kampo ni Horn o ni Pacquiao ang pipili ng judges para hindi mapagbintangan nagkaroon ng anomalya sa desisyon.

Ipauubaya naman ni Sotto kay Pacquiao ang desisyon kung tuluyan nang magreretiro sa boxing.

Pero hindi na kayang tapatan ng sinumang boksingero ang mga parangal na nakuha ni Pacquiao sa larangan ng boxing.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *