Senador Robin Padilla, Boluntaryong nagpadrug test

Personal na nagtungo si Senador Robin Padilla sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Quezon city.

Si Padilla ay inasistihan nina PDEA Director Wilkins Villanueva at Assistant Secretary Diosdado Carreon.

Agad siyang sumailalim sa proseso at pagkatapos ng isang oras nag negatibo naman siya sa illegal drug substance.

Ayon sa Senador, ginawa niya ito para magsilbing halimbawa sa mga kapwa niya artista at mga government officials.

Bahagi pa rin aniya ito sa kampanya laban sa iligal na droga na ginawa noong Duterte Administration.

Sinabi ng Senador na ang iligal na droga kasi ay mas matindi pa sa terorismo dahil sa matinding epekto nito sa isang pamilya sakaling malulong sa illegal drugs.

Umapila si Padilla sa publiko na boluntaryo na ring magpa drug test.

Meanne Corvera

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.