Senador Ronald dela Rosa, standard bearer ng PDP-Laban Cusi faction sa 2022 elections

Tatakbo na rin sa pagka-Pangulo si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Naghain si dela Rosa ng kaniyang Certificate of Candidacy sa Comelec, isang oras bago ang deadline na alas-5:00 ng hapon.

Kasama niya na naghain sina Senador Francis Tolentino at Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) President at Secretary Alfonso Cusi.

Si dela Rosa ang magiging pambato ng ruling party PDP-Laban katandem ni Senador Bong Go.

Ayon sa Senador, desisyon ng partido na siya ang isabak matapos itong tanggihan ni Go.

Meanne Corvera

Please follow and like us: