Senador Sherwin Gatchalian at Senador Ping Lacson positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 sina Senador Ping Lacson at Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Lacson , January 4 pa siya nagpa swab pero kagabi niya lang nalaman ang resulta.

Pinayuhan niya ang mga nakasalamuha niya noong January 3 na mag self quarantine o magpatest kung mayroong nararamdamang sintomas.

Makakatulong rin aniya ang pagsusuot ng facemasks

Pinayuhan rin ni Gatchalian ang mga kaibigan at mga nakasalamuha na mag-self quarantine muna lalot may nararamdamang sintomas.

Hinimok rin nito ang publiko na magpabakuna na at magpabooster shot.

Bukod sa kanya sinabi ng Senador na positive rin sa virus ang mga kapatid na sina Mayor Rex at Congressman Weslie Gatchalian.

Meanne Corvera

Please follow and like us: