Senador Trillanes kinasuhan ng libel ang blogger na si RJ Nieto

Kinasuhan ni Senador Antonio Trillanes ng libelo ang blogger na si Rey
Joseph Nieto ng Thinking Pinoy sa Pasay Prosecutors Office.

Itoy dahil sa umanoy mapanirang posts sa kaniyang facebook account
kung saan inakusahan syang narco o drug lord.

Ayon kay Trillanes, nilabag ni Nieto ang sa cybercrime preventon act
of 2012 at probisyon ng revised penal code nang mag post ito ng mga
malisyosong alegasyon.

Malinaw aniya ang layon ni Nieto na sirain ang kaniyang reputasyon at
ang kaniyang pangalan sa publiko.

Si Trillanes ay humihingi ng tig isang milyong pisong moral at
exemplary damages sa bawat kaso bukod pa sa 250 thousand pesos na
attorneys fee.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *