Senador Trillanes na-perfect ang art of lying ayon kay Pangulong Duterte

Nakabisado na ni Senador Antonio Trillanes ang sining ng pagsisinungaling.

Ito ang pinakabagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang numero unong kritiko na si Trillanes.

Patuloy na nagbabatuhan ng akusasyon ang Pangulo at si Trillanes.

Sinabi ng Pangulo na hinding-hindi siya papasok sa patibong ni Trillanes sa hamong lumagda ng waiver para malayang mabusisi ang mga sinasabing bank account ng Chief Executive.

Ayon sa Pangulo obligasyon ni Trillanes na maghanap ng ebidensiya para patunayan ang kanyang akusasyon.

Inihayag ng Pangulo na kumikilos na ang proseso para patunayan sa publiko na talagang may itinatagong bank accounts si Trillanes sa ibang bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *