Senador Trillanes, nakatutok sa magiging desisyon ng Makati RTC Branch 148 sa kaniyang kasong kudeta

Nakatutok na rin si Senador Antonio Trillanes sa magiging desisyon ng Makati Regional Trial Court Branch 148 sa apila ng Department of Justice (DOJ) na buhayin ang kaniyang kasong kudeta kaugnay ng pag-aalsa noon laban sa gobyerno.

Sinabi ng Media Relations officer ni Trillanes na inaasahan nilang sila ang unang makakakuha anuman ang desisyon ng mababang Korte.

Pero nanindigan si Trillanes na walang batayan para buhayin pa ng Korte ang kasong kudeta laban sa kanya dahil nakapag-aplay siya ng amnestiya na inaprubahan naman noon ng Aquino administration.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *