Senate leadership pinulong ang mga Senador para pag usapan ang isyu ng pagpapaliban ng Brgy election sa Oktubre
Pinulong na ng liderato ng Senado ang mga mambabatas kagabi sa isyu ng pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng Barangay sa Oktubre.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel, sa harap ito ng naisin ng Pangulo na huwag ituloy ang Barangay election sa halip magtalaga na lamang ng mga officer in charge o OIC.
Pero tumanggi si Pimentel na idetalye ang resulta ng pulong at kung ano ang magiging posisyon ng Senado sa isyu.
Nauna nang ipinanukala ng Pangulo na ipagpalibang muli ang eleksyon dahil 40 percent aniya ng mga Barangay official ay sangkot sa operasyon at pagbibigay ng proteksyon sa mga umano’y drug operators at drug lords.
Ulat ni: Mean Corvera