Senior citizens at PWD’s may discount sa pagbili ng airline tickets sa online booking

Makakakuha na ng diskuwento sa pagbili ng airline tickets sa pamamagitan ng online booking ang senior citizens at persons with disabilities o PWD’s.

Ayon ito sa Civil Aeronautics Board.

Napagkasunduan ito sa pulong ng House Committee on Transportation Technical Working Group hinggil sa karapatan ng airline passengers.

Ayon kay CAB Legal Division Chief Atty. Wyrlou Samodio, may ipatutupad na adjustment ang airline companies sa kanilang system para mabigyan ng 20 percent na diskuwento ang senior citizens at PWD’s sa kanilang online transaction.

Sinabi naman ni Atty. Paterno Mantaring ng Cebu Pacific wala pang kapasidad ang airline booking systems para kilalanin ang senior citizens.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *