Serye ng mga pagpupulong at aktibidad ng Asean sa Singapore ngayong Marso, inilatag na

 

Inilatag na ng Singaporean government ang schedule of activities at serye ng mga pagpupulong ngayong Marso bilang bahagi pa rin ng kanilang Chairmanship ng Asean sa taong ito na magsisimula na sa susunod na linggo.

March 5 at 6 ay isasagawa ang 19th Asean Committee of Culture and Information o COCI, Sub-committee of Information o SCI meeting na susundan naman ng Asean joint consultative meetings o JCM sa March 6 hanggang 8.

March 12 hanggang 15 naman nakatakdang isagawa ang 37th Asean Air transport working group o ATWG and related meetings.

Samantala, inihahanda na rin ng Singaporean government ang nalalapit na 32nd Asean summit na isasagawa sa April 25 hanggang 28 na inaasahang dadaluhan ng iba’t-ibang foreign media, foreign ministers at mga Asean head of State at dito nila tatalakayin at pag-uusapan ang iba’t-ibang isyu na may kinalaman at concerns ng Asean organizations.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *