Sheriff ng Cagayan de Oro City RTC Branch 37 nagpositibo sa Covid- 19

Ipinag-utos ang pansamantalang pagsasara ng Cagayan de Oro City Regional Trial Court Branch 37 makaraang magpositibo sa COVID-19 ang sheriff ng Hukuman.

Sa memorandum na pirmado ni Acting Presiding Judge Maria Corazon Gaite- Llanderal, sinabi na sarado hanggang sa December 22 ang korte.

Ito ay habang hinihintay na mailabas ang resulta ng swab test sa mga nakasalamuha ng nagpositibong kawani.

Inatasan ang lahat ng empleyado na nagkaroon ng close contact sa COVID positive staff na makipagugnayan sa kani-kanilang barangay health officer para sa kanilang RT-PCR test at agad na ireport ang resulta ng kanilang COVID testing.

Inotorisa din ang lahat ng kawani ng Branch 37 na mag- work from home habang pisikal na sarado ang korte.

Ang lahat ng court transaction ay dapat na gawin sa pamamagitan ng kanilang email addresses at hotlines.

Moira Encina

Please follow and like us: