Siargao Island, magiging prayoridad sa tourism development ng DOT

Inanunsiyo ni Tourism Secretary Christina Frasco na magiging prayoridad ng Department of Tourism (DOT) sa tourism development sa ilalim ng Pamahalaang Marcos ang Siargao Island.

Ang pahayag ay ginawa ni Frasco sa opening ceremony ng 26th Siargao International Surfing Cup.

Tiniyak ng kalihim na susunod na mga taon ay lalo pang sisigla ang turismo sa isla katuwang ang nasyonal na gobyerno lalo na’t prayoridad ng Marcos Administration ang turismo.

Ayon kay Frasco, tutulungan ng national government ang Siargao na makarekober at lalo pang makilala sa buong mundo.

Aniya, ang imprastraktura at gateway access ang key solutions para sa mga pangunahing tourist destination gaya ng Siargao.

Kaugnay nito, nagkaloob ang DOT ng P1 milyong tseke sa munisipalidad ng General Luna bilang patunay ng suporta ng nasyonal na pamahalaan sa international surfing competition sa Siargao.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.