Signal ng cellphone sa NBP balak ipatanggal ng DOJ

Plano ng Department of Justice na tanggalin na ang signal ng cellphone sa kabuuan ng New Bilibid Prisons.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ito lamang ang nakikita nilang paraan upang isandaang porsyentong mawala ang bentahan ng illegal drug mula sa pambansang bilangguan.

Inihayag ito ni Aguirre makaraang matuklasan ang aniya’y unti-unting pagbabalik ng bentahan ng illegal drugs sa NBP gayong wala pang isang taon mula nang masawata nila ito.

Sinabi pa ni Aguirre na mayroon na silang nakuhang isandaang (100) milyong pisong pondo para malagyan ng jamming device ang buong NBP.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *