Sindikato sa NBP na nasa likod ng pagpapapatay kay Percy Lapid , nais paimbestigahan ni Senador Bong Revilla

Nais ni Senador Ramon Bong Revilla na paimbestigahan ang pahayag ng sumukong gunman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid na mula sa New Bilibid Prison ang nag-utos ng pagpatay.

Sa inihaing Senate resolution 264, hiniling ni Revilla sa Senate Committee on Public Order na busisiin paano nakapag-operate ang mga nasa bilibid samantalang mahigpit ang seguridad doon.

Dapat aniyang tingnan kung may katotohanan ang mga sinabi ng akusado na si Joel Escorial.

Nakakalungkot aniya na kahit nakabilanggo na, nasasangkot pa ang mga nasa bilibid sa mga karumal-dumal na krimen

Ayon kay Revilla, hindi naman maituturing na case closed na ang kaso ng pagpatay kay Lapid dahil nananatiling at large ang mga kasabwat ng suspek

Malaki aniya ang kinakaharap na problema ng bilibid at dapat lamang na kumilos ang Kongreso para sa modernisasyon ng NBP.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.