Siyam na buwang pagkukumpuni sa bahagu ng Quirino Ave., nagsimula na ngayong May 2

0
Siyam na buwang pagkukumpuni sa bahagu ng Quirino Ave., nagsimula na ngayong May 2

Infographics courtesy of DPWH

Nagsimula na ngayong Biyernes, May 2, ang siyam na buwang asphalt at reblocking works sa kahabaan ng northbound portion ng President Elpidio Quirino Avenue sa Maynila.

Sa isang travel advisory, sinabi ng Department of Public Works and Highways o DPWH –South Manila District Engineering Office, na saklaw ng pagawain ang reblocking mula Marcelino Street hanggang Campillo Street, at ang asphalt overlay naman ay sa kahabaan ng northbound section ng major thoroughfare, o mula sa kahabaan ng Marcelino Street hanggang sa Quirino Bridge 1.

Ang naturang pagawain ay tatagal hanggang sa Feb. 4, 2026.

Ayon sa DPWH, ang repair works ay isasagawa tuwing weekend hanggang sa target completion date nito, upang maiwasan ang abala sa daloy ng trapiko sa lugar, dahil ang aktibidad ay nangangailangan ng partial closure sa mga apektadong linya.

Inabisuhan naman ng DPWH ang publiko, na asahan na ang posibleng pagbagal sa daloy ng trapiko sa lugar, at hinimok ang mga motorista na gamitin ang mga posibleng alternatibong ruta sa panahon ng pagawain.

Ang inisyatiba ay bahagi ng “Build Better More” program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at pinangunahan ni Secretary Manuel Bonoan para sa mas ligtas na kalsada sa rehiyon.

PNA

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *