Siyam na Indians na may pekeng visas at travel docs timbog sa NAIA

Siyam na Indians na gumamit ng pekeng visas at kwestyunableng travel documents  ang hinarang sa NAIA Terminal 3 ng mga tauhan ng Bureau of Immigration.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Chinchorkar Udayan Raju, Surjit Singh, Kari Ram Kiran, Tandel Gatiraj narsinhbhai, Jaspreet Singh, Gore Chetan Vinod, Toppo Clinson Christophar, Varinder Singh, AT Amandeep Singh.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ,  nabigo ang tangkang human smuggling dahil sa pagkakatimbog sa siyam na galing sa Hongkong.

Tiniyak ng opisyal na iimbestigahan pa nila ang insidente para mabatid kung mayroong BI personnel na nasa likod ng tangkang human smuggling.

Sinabi ni Marc Red Mariñas, BI port operations division chief,nagpakilala ang mga indian na mga seafarer mula sa Mumbai at sasama sa isang barko sa Batangas Port.

Pero nabatid na hindi ito totoo dahil ang barkong tinutukoy ng mga ito ay nakaalis na sa  Batangas  Port patungo sa Singapore.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *