Siyam na Mahistrado, naniniwalang lumabag sa Konstitusyon si Sereno dahil sa kabiguang maghain ng SALN

Siyam na mahistrado ng Korte Suprema ang kumbinsidong lumabag sa Saligang Batas ang pinatalsik na si Maria Lourdes Sereno dahil sa kabiguang maghain ng kanyang SALN.

Kabilang sa mga ito si Senior Associate Justice Antonio Carpio kahit bumoto ito kontra sa Quo warranto petition.

Ang walong iba pa na bumotong lumabag sa Konstitusyon si Sereno dahil sa isyu ng SALN ay ang mga mahistrado na pumabor para mapatalsik ito.

Wala namang opinyon sa nasabing isyu ang limang iba pang Justices.

Samantala, siyam na Justices din ang bumoto na ang Quo Warranto proceedings ang proper remedy para mapaalis si Sereno.

Isa si Justice Presbitero Velasco Jr. na sumangayon kahit siya ay tumutol sa Quo warranto case laban kay Sereno.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *