Solgen inatasan ni Pangulong Duterte na kasuhan ng plunder ang mga dating opisyal ng Aquino administration kaugnay ng problema sa MRT3

Ipupursige ng Malakanyang ang kasong plunder laban sa ilang opisyales ng Aquino administration kaugnay ng hindi pa rin nasosolusyonang problema sa operasyon ng MRT 3.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isa ito sa mga napag-usapan sa isinagawang cabinet meeting sa Malakanyang.

Ayon kay Roque ang mga aasuntuhin ng kasong plunder o pandarambong ay sina dating DOTC Secretary Mar Roxas at Joseph Emilio Abaya ganundin si dating Budget Secretary Butch Abad.

Inihayag ni Roque na hanggang ngayon kuwestiyon, kung bakit ipinagkaloob ng nakaraang gobyerno ang maintenance contract sa isang kumpanyang walang track record.

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na isagawa ang hakbanging legal kontra sa mga dating opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa patuloy pa ring mga nararanasang aberya sa MRT.

Naglatag naman ang gobyerno ng short medium at long term solution para maresolba na ang problema ng MRT at matapos na ang kalbaryo ng publiko.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *