Solo Parents partylist nanawagan sa Comelec na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa transmission ng boto


Sa kabila nang naunang paglilinaw ng Commission on Election (Comelec), na walang naging dagdag bawas sa mga boto, ilang grupo pa rin ang hindi makumbinsi.
Nanawagan ang Solo Parents Partylist sa Comelec na imbestigahan ang sinasabing iregularidad na namonitor sa transmission ng boto.
Kinukuwestiyon ng grupo ang pagbaba ng bilang ng kanilang boto.
Mula kasi sa humigit-kumulang 214 libong boto, bigla umano itong bumaba ng humigit-kumulang 125 boto na kalaunan ay naging 104 libong boto na lang.
May video kasi umanong nakarating sa kanila mula sa reliable source na may recovery attempt o paglipat sa transfer ng boto ng Solo Parents.
Giit ni Roserlle Teodocio, 1st nominee ng Solo Parents Partylist, hindi nila intensiyong manira kundi nais lang nilang mabigyan ng linaw ang pangyayari.
Naniniwala aniya sila na hindi ito simpleng yeknikal na isyu, kaya nananawagan sila sa Comelec na imbestigahan ito.
Sabi naman ng Comelec sa mga nagdududa sa resulta ng halalan, nagsimula na ang random manual audit, dito makikita kung tugma ang resulta ng halalan.
Madelyn Villar-Moratillo