Speaker Alvarez, mayroon ng 100 lagda para sa impeachment vs. VP Robredo

Mayroon ng isang daang lagda na nakukuha si House Speaker Pantaleon Alvarez para sa impeachment ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa source, sapat na ang naturang bilang para maitaas ang reklamo ng impeachment laban sa Pangalawang Pangulo sa Senado na magsisilbi namang impeachment court.

Sinabi pa ng source na ang pagsuporta ng mga kaalyado ng Pangulong Duterte sa impeachment ni Robredo ay tila sampal din sa Liberal Party.

Dahil noong 2011 ay agad na sinuportahan ng LP congressmen ang impeachment laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona nang hindi man lamang nababasa ang reklamo laban dito.

Please follow and like us: