SPO3 Lascañas, muling haharap sa Senado ngayong araw

Muling sasalang sa imbestigasyon ng Senado si dating SPO3 Arthur Lascañas ngayong araw.

Kinumpirma ni Senador Antonio Trillanes IV na natanggap ni Lascañas ang imbitasyon na Senado para humarap sa pagdinig.

Sa kanyang pagharap sa mga Senador at sa publiko, inaasahang marami pang isisiwalat si Lascañas na kanyang nalalaman ukol sa Davao Death Squad (DDS) at ang koneksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang vigilante group.

Inaasahan ding gigisahin ng ilang Senador si Lascañas para malaman kung mapaninindigan nito ang kanyang mga isiniwalat sa press conference noong nakaraang buwan at sa umano’y journal na kanyang ginawa ukol sa kinalaman ng Pangulo sa DDS

Please follow and like us: