SRP sa mga Holiday products, ilalabas sa Oct. 15

Sa October 15 nakatakdang ipalabas ng Department of Trade Industry (DTI) ang Suggested Retail price (SRP) para sa mga holiday products.

Ayon kay Undersecretary Ruth Castelo, may kasunduan din sila ng mga manufacturers na i-hold at muna at huwag galawin ang kasalukuyang presyo ng mga basic commodities hanggang unang araw ng Disyembre.

Payo ni Castelo, ngayon pa lamang ay bumili na ng produkto upang hindi abutan ng pagtaas ng presyo.

Sinimulan na rin aniya ng DTI mula pa noong July ang isang programa na makatutulong sa publiko na tinawag nilang Producer to Consumer program kung saan mabibili ang mga produkto sa mababang halaga.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *