Sunod sunod na aftershock , naramdaman pagkatapos ng magnitude 6.3 na lindol sa Batangas

Naramdaman ang sunod – sunod na aftershocks matapos ang magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas.

Batay sa tala ng PHIVOLCS, naramdaman ang magnitude 3.2 na aftershock 7:53 ng umaga.

Sinundan ito ng magnitude 3.0 7:57 ng umaga at bandang 8:09 ng umaga naman naitala ang magnitude 3.2 na lindol at sinundan ng magnitude 2.0 na lindol 8:29 ng umaga.

Bandang 8:49 ng umaga naman ng maramdaman ang magnitude 2.4 na aftershock.

Magnitude 3.2 muli na lindol ang naramdaman 9:06 ng umaga at makalipas ang dalawang minuto ay naitala ang magnitude 1.6 na lindol.

Bandang 9:13 ng umaga ng maitala ang magnitude 1.5 at magnitude 2.0 naman ang naitala 10:20 ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, pawang nasa bisinidad ng Calatagan , Batangas ang mga naganap na paglindol.

Please follow and like us: