COVID-19 Testing Laboratory ng Santa Rosa City, Laguna, pormal nang binuksan


Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Santa Rosa City, Laguna ang sarili nitong RT-PCR Testing Laboratory.

Matatagpuan sa New City Hall Government Compound Building B ang Santa Rosa City Health Office I – COVID-19 Testing Laboratory.

Ayon sa city government, malaking hakbang ito para mapagbuti ang testing capabilities ng Santa Rosa at malabanan ang COVID.

Dahil sa nasabing laboratoryo ay kaya na nang lungsod na makumpirma ang hanggang 48 COVID tests kada araw.

Ang pasilidad ay pangangasiwaan ni Dr. Jennifer Torres kasama ang tatlong medical technologists sa pangunguna ni Chief Medical Technologist Mariza Garing.

Moira Encina

Please follow and like us: