Sunog sa Paris Apartment Block, Walo Namatay

A fire in an apartment building in central Paris kills eight people, including two children. (Courtesy Reuters/Photo grabbed from Reuters video)

 

(Reuters) – Isang sunog ang naganap sa apartment building sa Central Paris kung saan walo ang bilang ng mga namatay nitong Miyerkules (September 2), dalawang bata ang kabilang dito ayon sa mga opisyal.

Apat na katao ang nasugatan sa nangyaring sunog kung saan di pa nalalaman kung saan nagmula. Nagsimula ang sunog bandang 0400 (0200GMT).

 

Nagsimula ito sa ground floor bago kumalat sa buong building.

Iniimbestigahan pa kung anong pinagsimulan ng sunog ayon sa isang spokesman ng interior ministry sa Paris.

Please follow and like us: