‘Super Mario,’ unang pelikula ng taon na lumampas ng $1billion ang kinita sa buong mundo

(FILES) In this file photo taken on April 01, 2023, US actor Chris Pratt attends Universal's "The Super Mario Bros. Movie" special screening at the Regal LA Live in Los Angeles. - "The Super Mario Bros. Movie" easily held its first-place position on North American movie screens this weekend while its accumulated global total pushed past the $1 billion mark, analysts said on April 30, 2023. (Photo by VALERIE MACON / AFP)

(FILES) In this file photo taken on April 01, 2023, US actor Chris Pratt attends Universal’s “The Super Mario Bros. Movie” special screening at the Regal LA Live in Los Angeles. – “The Super Mario Bros. Movie” easily held its first-place position on North American movie screens this weekend while its accumulated global total pushed past the $1 billion mark, analysts said on April 30, 2023. (Photo by VALERIE MACON / AFP)

Madaling nahawakan ng “The Super Mario Bros. Movie” ang unang puwesto nito sa North American movie screen weekend, nang makaipon ito ng global total na lampas isang bilyong dolyar.

Ang pelikulang nakabase sa video game, ay kumita ng tinatayang $40 milyon para sa Friday-Sunday period sa United States at Canada para sa domestic total na hanggang $490 milyon.

Kumita naman ito sa ibang bansa ng $532 milyon, kaya umabot na ang global total nito sa $1.02 billion.

Dahil dito, ang “Super Mario” – na joint project ng Universal, Nintendo at Illumination studios – ang unang pelikula ng taon na lumampas sa billion-dollar mark at ika-10 animation pa lang na nakagawa nito.

Samantala, nasa ikalawang puwesto sa dalawang sunod na linggo, ang bloody horror film na “Evil Dead Rise” mula sa Warner Bros., na kumita ng $12.2 million. Sina Lily Sullivan at Alyssa Sutherland ang bida rito, kung saan magkapatid ang kanilang papel na ginagampanan.

Ikatlo sa puwesto ang “Are You There God? It’s Me, Margaret,” isang bagong comedy-drama mula sa Gracie Films at Lionsgate Films, na kumita ng $6.8 million.

Sinabi ng analyst na si David A. Gross, “a fair opening for a coming-of-age film, reviews and audience scores are sensational.”

Nakabase sa nobela ni Judy Blume na may kaparehong pamagat, kinatatampukan ito ni Abby Ryder Fortson bilang si Margaret Simon, kasama rin sina Rachel McAdams at Kathy Bates.

Malakas pa rin sa kaniyang ika-6 na linggo, ang neo-noir ng Lionsgate na “John Wick: Chapter 4” ang nasa ika-apat na puwesto at kumita ng $5 million.

Pang-lima ang re-release ng “Return of the Jedi” mula sa “Star Wars” franchise ng Disney, na kumita ng $4.8 million. Pinagbibidahan ito nina Mark Hamill, Harrison Ford at Carrie Fisher. Nakapagbenta ito ng higit sa 80 million tickets sa unang pagpapalabas nito.

Narito naman ang bubuo sa top 10:

“Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves” ($4.1 million)

“Air” ($4 million)

“Ponniyin Selvan: II” ($3.7 million)

“The Covenant” ($3.6 million)

“Sisu” ($3.3 million)

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *