Suplay ng anti-Covid-19 vaccine ng QC para sa first dose, ubos na

Inanunsiyo ng Quezon City government na ubos na ang suplay ng first dose vaccines sa lungsod.

Ang natitira na lamang ay ang suplay ng bakuna na gagamitin para sa nakatakdang tumanggap ng second dose.

Batay sa kanilang ipinalabas na advisory, maaantala ang pagdating ng suplay ng Sputnik V, kaya sa mga nakapagpabakuna ng first dose, hintayin ang anunsyo ng lungsod para sa kanilang second dose.

Pinayuhan din ng city government ang mga nakapagpabakuna na ng kanilang first dose na sundin ang nakatakdang schedule ng kanilang second dose at magpunta na sa vaccination sites.

Paalala pa ng lokal na pamahalaan, mahalagang ingatan at itago ang vaccination card bilang katunayan na nabakunahan na.

Belle Surara

Please follow and like us: