Supplemental impeachment complaint ni Partylist Rep. Gary Alejano laban kay Pang. Duterte propaganda lang ayon sa Malakanyang

Tinawag ng Malakanyang na propaganda at publicity lamang ang supplemental impeachment complaint na isinampa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang basehan ang supplemental case ni Alejano.

Ayon kay Panelo hindi puwedeng sampahan ng panibagong impeachment case ang Pangulo dahil hindi pa natatalakay ang unang impeachment complaint.

Inihayag ni Panelo na walang ebidensiya si Alejano sa paratang nito na nagtaksil ang Pangulo sa tiwala ng taongbayan dahil sa isyu sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea at Benham Rise.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: