Suspects sa pagpapaihi ng krudo, natimbog ng NBI

Natimbog ng NBI-Anti Organjzed Transnational Crimes Division ang apat na lalaki na sangkot sa pagpapaihi o pagnanakaw ng krudo sa Navotas City.

Nahuli sa akto ng NBI na nagbebenta ng ninakaw na krudo sakay ng kanilang motor banca sina Larry Santiago, Mark June De La Cruz, Joemar Delvo at Levy Manlapas.

Nakumpiska din ng mga tauhan ng NBI ang apat na container na may lamang Diesel.

Ayon sa NBI, Nakatanggap  sila ng intelligence report tungkol sa iligal na aktibidad ng grupo na pinamumunuan ng isang alyas Ruby Anne o Rovy Ann na nag-ooperate sa Tangos, Navotas City.

Kinumpirma ng Dept .of Energy sa NBI na ang naturang grupo ay walang lisensya para mag-operate.

Nagtungo ang NBI sa bahay ng may-ari ng bangka na si Manlapas na malapit lamang sa lugar kung saan nadatnan ang iba pang container na may lamang petrolyo.

 

Ang mga naaresto ay nahaharap sa reklamong paglabag sa  Oil Pilferage Law.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: