Suspek sa bomb threat sa Ponciano Bernardo High School naaresto na ng QCPD

Nadakip na ng mga operatiba ng Quezon City Police District o QCPD Station 7 ang suspek sa bomb threat sa Ponciano Bernardo High School sa Barangay Kaunlaran Cubao Quezon City.

Kinilala ni Police Lt. Col. Joseph Almaquer Hepe ng QCPD Station 7 ang suspek na si Elfrank Emil Anthony Kadusale 22 years old Grade 8 ng Alternative Learning System o ALS ng Ponciano Bernardo High School.

Sinabi ni Almaquer na naaresto si Kadusale matapos makuha ang identification ng may ari ng facebook account na ginamit sa bomb tHreat na si Bob Key Ser Panganiban.

Inihayag naman ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torres na inilatag na ng pulisya ang mga kaukulang hakbang para matigil na ang pagpapakalat ng bomb threat sa kanilang area of responsibility o AOR.

Dahil dito binabalaan ni General Torres ang mga suspek sa bomb threat sa San Francisco High School sa Sto. Cristo, Quezon City at New Era High School sa Culiat, Quezon City na sumuko na sa mga otoridad dahil hinihintay na lamang ang search at arrest warrant para sila panagutin.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *