Suspended overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang malayang gumamit ng legal remedy – Malacañang

Maaaring gamitin ni suspended Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang ang lahat ng legal remedy para kontrahin ang suspension order na ipinataw ng Office of the Executive Secretary.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry na bahagi ng legal process ang pag-apela sa anumang desisyon na hindi pabor sa sinumang akusado.

Ayon kay Roque karapatan ng Malakanyang na disiplinahin ang mga opisyal ng gobyerno na nasa ilalim ng executive department.

Si Carandang ay pinatawan ng 90 araw na preventive suspension dahil sa pagpapalabas ng palsipikadong bank statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit ni Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang expose sa umanoy tagong yaman ng Pangulo.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *