Mataas na singil sa kuryente sa susunod na buwan , ibinabala ng DOE

KURYENTE-2-1

Nagbabala ang Department of Energy na tataas ang singil sa kuryente sa mayo.

Ayon kay Energy secretary Alfonso Cusi, tumaas ang presyo ng coal  na ginagamit sa pagpo- produce ng kuryente.

May nauna nang anunsyo ang Meralco na posibleng tumaas ng 9 pesos ang buwanang bill ng kanilang consumer dahil sa ipinataw na dagdag na singil ng mga electric supplier at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Meanne Corvera