Talipapa sa Barangay Masambong Quezon city , nasunog

Tinupok ng apoy ang talipapa na matatagpuan sa Toktokan Street Barangay Masambong Quezon City.

Sinabi ni Senior Fire Officer 3 Rolando Valeña fire investigator ng Quezon City Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog pasado ala- una ng hapon at umabot sa ikatlong alarma bago idineklarang fire out.

Ayon kay SFO3 Valeña nagkaroon muna ng pagtatalo sa mga tenant bago nagkaroon ng sunog.

Wala namang naiulat na nasugatan o namatay sa naganap na sunog.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *