Tangkang panunuhol kay Pang. Duterte ng isang kumpanya ng sigarilyo kinumpirma ng Malakanyang

Kinumpirma ng Malakanyang na mayroong nagtangkang manuhol kay Pangulong Duterte mula sa isang kumpanya ng sigarilyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mismong si Pangulong Duterte ang nagkuwento sa pinakahuling cabinet meeting sa Malakanyang.

Hindi naman tinukoy ni Abella kung ang nagtangkang manuhol sa Pangulo sa pamamagitan ng mga mambabatas mula sa Mindanao ay ang Mighty Corporation na nasangkot sa umanoy paggamit ng pekeng tax stamp.

Ayon kay Abella,  iniimbestigahan na ito ng Department of Justice at National Bureau of Investigation kaya mas mabuting hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: