Tatlo katao arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa iloilo

3 katao ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo. 


Kinilala ang mga suspek na sina  Rhona Estares, 43 anyos, residente ng  Brgy. Dalid, Sta. Barbara Iloilo. 


Joan Estares 40 anyos residente ng Brgy. Dalid, Sta. Barbara at Cornelio Sisnorio 38 anyos na residente ng Brgy. Cafe Sta. Barbara Iloilo.


Nahuli ang mga suspek sa operasyong ikinasa ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit sa sa Zone 1, Barangay Daga sa naturang bayan.
Narekober sa mga suspek ang 2 pieces heat sealed transparent plastic ng mga hinihinalang shabu, isang 500 peso at singkwenta pirasong 1000 peso bill. 


Narekober din sa mga suspek ang mga droga na nagkakahalagang kalahating milyong piso.

Nasa kustudiya na ngayon ng mga tauhan ng PNP reg. 6 ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.

Sweet Joy De Jesus

Please follow and like us: