Tatlo katao patay sa pamamaril sa Sweden

0
SWEDEN SHOOTING

A Police officer works near the scene where several people were injured after a series of loud bangs that indicated gunfire, according to police, at Vaksala Square in Uppsala, Sweden, April 29, 2025. (TT News Agency/Fredrik Sandberg via REUTERS)

Tatlo katao ang namatay sa insidente ng pamamaril sa Uppsala City sa Sweden.

Kaugnay nito ay naglunsad na ang pulisya ng isang murder investigation, kung saan pinaghahanap nila ang isang suspek.

Una nang sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng mga tawag mula sa publiko, na nakarinig ng mga putok ng baril sa sentro ng siyudad kaya agad namang rumesponde ang emergency services.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nila ang pamamaril bilang isang insidente ng homicide.

Kuwento ng mga saksi, nakarinig sila ng limang putok at nakita ang pagtakbo ng mga tao upang magkubli.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *