Tatlo pang komite na hinahawakan ng LP Senators hindi pa babawiiin

Mananatili pa rin sa mga Senador na miyembro ng Liberal Party ang Chairmanship sa tatlo pang komite sa Senado.

Sa kabila ito ng ginagawang pagpapatalsik sa kanila bilang miyembro ng Majority Bloc.

Kinumpirma ni Senador Manny Pacquiao na wala siyang balak na magmosyon sa sesyon ngayong hapon para tanggalin ang natitira pang Committee Chairmanship sa LP Senators.

Kinabibilangan ito ng Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Senador Franklin Drilon, Science and Technology ni Senador Bam Aquino at Women and Family Relations ni Senadora Risa Hontiveros.

Samantala, nagkaroon na rin ng pagbabago sa seating arrangement ng mga Senador.

Ang mga napatalsik na LP members ay malilipat na sa unahan at kanang bahagi ng session hall bilang bahagi ng Minority bloc.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us: