Tatlong inmates nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng Bilibid

Tinutugis na ng mga otoridad ang tatlong convicted inmates na nakatakas mula sa Maximum Security Compound sa New Bilibid Prison kaninang 1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, nagpapatuloy ang coordination at recovery efforts para mahuli ang tatlong inmates.

Courtesy: BuCor

Kinilala ang mga ito na sina Arwin Villeza Bio, 35 anyos na convicted sa kasong murder at attempted murder; Drakilou Yosores Falcon, 34 anyos na convicted sa kasong robbery with homicide at may pending double murder case; at si Pacifico Villaruz Adlawan, 49 taong gulang na guilty sa kasong frustrated homicide at may pending na homicide case.

Binalaan ng Bucor ang publiko na armado at mapanganib ang tatlo.

Nanawagan din ang kawanihan sa publiko na agad na ipagbigay-alam sa kanila sa 09178049362 o 09186001081 o kaya sa pinakamalalapit istasyon ng pulisya ang kinaroroonan ng tatlo.

Moira Encina

Please follow and like us: