Tatlong kaso ni Sen. De Lima nai-raffle na ng Muntinlupa RTC

delima2

Nai-raffle na ng hukuman sa Muntinlupa City ang tatlong magkakahiwalay ng kaso ng iligal na droga laban kay Senador Leila de Lima.

Si de Lima ay kinasuhan ng tatlong magkakahiwalay na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act kaugnay sa illegal drug trade sa bilibid.

Napunta ang mga drug cases laban sa senadora sa tatlong babaeng hukom na sina branch 204 Judge Juanita Guerrero, branch 205 Judge Amelia Fabros-Corpuz at branch 206 Judge Patria Manalastas-de Leon

Ang senadora ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 o sale at trading ng iligal na droga sa ilalim ng ra 9165.

Kapag mapatunayang guilty ng korte ay nahaharap si de Lima sa habambuhay na pagkabilanggo.

Maaring magpalabas din agad ang mga nasabing hukom ng warrant of arrest laban sa senadora.

Ulat ni : Moira Encina

 

Please follow and like us: