Tatlong kumpanya gustong sumali sa bidding para sa 2025 Automated polls

May tatlong international technology companies ang nagpahayag ng intensiyong makasali sa bidding para sa Automated Election System sa 2025 midterm elections.

Kabilang sa mga kumpanyang bumili na ng bidding documents para sa Full Automation System with Transparency Audit/Count project ay ang Smartmatic na dating service provider sa mga nakaraang automated elections.

Bumili rin ng bidding documents ang Pivot International at Miru Systems Co. Ltd.

Pwedeng bumili ng bidding documents sa Special Bids and Awards Committee hanggang sa November 20.

Ang halaga ng bidding para sa AES sa 2025 ay 18.8 bilyong piso.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *