Tatlong kumpanya sa Makati City inireklamo ng BIR ng tax evasion sa DOJ

Tatlong kumpanya sa lungsod ng Makati ang kinasuhan ng tax evasion ng BIR sa DOJ.

Isa sa ipinagharap ng reklamo ay ang Master Sports Corporation at mga opisyal nito dahil sa hindi pagre-remit at hindi pagbabayad ng buwis mula 2012 hanggang 2015.

Ayon sa BIR, kabuuang ₱7.12M ang tax liability ng kumpanya.

Sinampahan din ng tax evasion  complaint ng BIR ang Aeroflite Aviation Corporation at mga opisyal nito dahil sa kabiguang bayaran ang buwis nito noong 2008 na₱ 3.15M.

Hinahabol din ng BIR ang Chow Master Corporation para sa hindi nabayarang buwis na ₱14.90M noong 2011.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: