Tatlong mahahalagang agenda tinalakay ni Pang. Duterte sa National Security Council meeting sa Malakanyang

Tinalakay ni Pangulong Duterte sa pulong ng Executive Committee ng National Security Council ang tatlong mahahalagang agenda na may kaugnayan sa pambansang seguridad ng bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang tatlong agenda ng National Security Council ay may kaugnayan sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa CPP NPA NDF o Communist Party of the Philippines  New Peoples Army National Democratic Front, usapin sa West Philippine Sea at ang giyera ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Abella nais ng Pangulo na magkaroon ng malinaw na batayan sa muling pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista dahil patuloy ang ginagawang pag-atake ng NPA sa tropa ng pamahalaan sa kabila na nagkaroon na ng infomal agreement na muling bubuksan ang peace process ng gobyerno at CPP NPA NDF.

Inihayag ni Abella bukas ang Malakanyang sa panukalang magkaroon ng third party monitoring team kung magpapatupad na ng ceasefire ang magkabilang panig.

Sa isyu naman ng West Philippine Sea naninindigan ang Pangulo na ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa Benhamrice na inaangkin din ng China.

Tungkol naman sa giyera ng pamahalaan sa ilegal na droga sinabi ng Palasyo na hinding-hindi ito aatrasan ng Pangulo kaya pinatutulong na ang AFP at PNP sa PDEA O Philippine Drug Enforcement Agency.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: