Tatlong pinaghihinalaang drug, carnapper at robbery suspects patay sa engkwentro sa Caloocan City

Patay ang tatlong pinaghihinalaang drug pusher, carnapper at robbery suspect sa isinagawang drug buy bust operation sa PCP 4 sa Brgy 179 Caloocan City pasado alas tres ng imedya ng madaling araw kanina.

Kinilala ang mga suspect na si alyas Obet, alyas Sung at Jay R.

Sa ginawang operasyon ng Caloocan PNP nagkahabulan at sa abandonadong outpost na ito sa kanto ng Alibangbang at Balubad St. Amparo Subdivision sa Caloocan City nakorner at bumulagta ang mga suspect.

Ayon kay Police Senior Supt. Chito Bersaluna Chief ng Caloocan City PNP nasa drug watchlist ng mga otoridad ang mga suspect pinaghihinalaan ding sangkot ang mga ito sa carnapping gayundin sa roberry.

Nasabat sa mga suspect ang labing pitong sachet ng shabu, isang calibre 45 ng baril, isang sumpak, isang pen gun, isang hand grenade, mga pera at mga bala.

Nag ooperate ang mga suspect sa area ng Brgy 179 at sa iba pang bahagi ng Caloocan City.

Armado ng baril ang mga suspect na nakipag palitan pa ng putok sa mga pulis.

Tinamaan ng bala ang motor ng mga otoridad matapos na makipagpalitan ng putok sa mga suspect.

Narekober sa crime scene ang higit sa 6 na basyo ng bala ng baril.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *